|
Post by doppelganger on Apr 10, 2007 6:44:25 GMT -5
para sa kin, araw-araw embarassing moments eh.. parang wala lang sa akin ang lahat pero sa loob ko para na kong mamamatay sa hiya. hehe.. O.A.! di lang talaga halata sa mukha. uhmm..isip-isip muna ng ikwewento...
|
|
|
Post by ungnakagreen on Apr 12, 2007 5:05:30 GMT -5
uu nga pag patok yung jeep grabe sobrang bilis talaga.. sana nga may ganun dito samen e.. para iwas late hehehehe.. hehe.. masaya talaga pag patok.. kahit inaantok ka pa, magigising ka sa dumadagundong na sounds.. yeah! rakenrol! haha....... saka magaling sumingit ang mga patok kaya oks na oks pag late ka na ng 30 minutes sa pupuntahan mo.
|
|
|
Post by kEitaro™ on Apr 12, 2007 8:34:26 GMT -5
..hehe..naalala ko tuloy ung sinulat ni bob ong sa bakit baliktad....di ba inisa-isa niya ang mga type ng jeep at drayber?..
|
|
|
Post by kurkeh on Apr 13, 2007 0:52:49 GMT -5
ako pashare.
nung high school ako, mga second year, mukha talaga akong nerd na geek at geek na nerd. may makapal na salamin. walang sando o tshirt sa loob ng polo. hindi nagsusuklay. at nanglilimahid sa pawis.
pinasali ako sa volleyball nung intrams namin. sumali naman ako kasi nung grade 5 ako, naglalaro ako ng volleyball sa class. athletic pa ako noon elementary ako. kaso pagdating ng high school, dork na ako. so yun.
pagdating ko sa court, syempre true to form ako, the porma, the stance at the dating, parang totoong marunong. biglang may nagspike nung bola papunta sa akin. nanigas ako sa pwesto ko.
mustering my hidden strengths, tumalon ako, hinanda ko ang aking mga kamay para sa isang solidong receiving block. kaso bumagal ang mundo....
pagtingin ko tumama yung bola sa mukha ko. solid. lumipad yung salamin ko at jumacknife akong pabaliktad. sumemplang ako.
nangyari ito sa school grounds namin kung saan maraming nanonood at mga naglalaro. tumigil ang mundo ko, tumigil din ang mundo nila.
tapos bigla na lang sila tumawa. tumawa nang tumawa. ako hindi ako natawa. gusto kong maiyak pero di ko magawa. hay.
hanggang ngayon classic na story pa rin yun sa school.
|
|
|
Post by maya on Apr 13, 2007 4:50:05 GMT -5
nax naman kuya kurkeh! naiimagine ko ang nangyari sa 'yo! kahit wala ako dun, feel ko nakita ko yung pangyayaring yun! hehe.. ;D kung maka describe ka kasi parang si stephen king.. haha! very detailed.. 'steeg
|
|
|
Post by kEitaro™ on Apr 13, 2007 20:46:33 GMT -5
..tsktsk..dapat sa reunion gantihan mo ang mga nagbigay pasakit sa dignidad mo..
|
|
|
Post by vlad veradrix on Apr 15, 2007 20:31:26 GMT -5
uu nga.. niyurakan nila ang pagkatao mo..
T_T T_T T_T
|
|
|
Post by kurkeh on Apr 17, 2007 0:49:07 GMT -5
naku, hindi naman ako ganun na mapghiganti. ang ginawa ko. na-lost in obscurity mode ako. meaning lay-low. nung medyo nakalimutan na nila yun, bumalik ulit ako sa mainstream.
nung third year high school ako, nagtransform ako, di ako naging nerd. hehehe. nagpagwapo na ako nun. hehehe.
after high school, pagbalik ko, hindi na nila ako kilala. sobrang nag-iba na kasi ako. pati yung mga teacher ko noon, wala na di na ako namukhaan.
parang phoenix, from the ashes, i was reborn
naks
|
|
|
Post by vlad veradrix on Apr 17, 2007 9:42:10 GMT -5
wow hehehe.. uu nga..
nakita ko mga pic. mo sa friendster..
dabat yun nalang
avatar mo oks naman e.. ^_^
|
|
|
Post by kurkeh on Apr 18, 2007 0:19:38 GMT -5
ha? anong pic yun?
|
|
|
Post by vlad veradrix on Apr 24, 2007 1:00:50 GMT -5
yung mga pic. mo.. basta.. ^__^
|
|
|
Post by dAdÔ on Jun 12, 2007 18:50:00 GMT -5
oo nga. baka palitan ko na din to e.
|
|
|
Post by vlad veradrix on Jun 15, 2007 11:06:13 GMT -5
uu kuya dado. may kapareho ka na e..
|
|
|
Post by dAdÔ on Jun 19, 2007 18:10:59 GMT -5
andaya nga e. bad trip. di p nman ako mrunong mgpalit dito.
|
|
|
Post by kEitaro™ on Apr 18, 2008 10:02:59 GMT -5
ui buhayin ko muna saglit tong thread ko.. may bago kasi akong embarassing momento..hehe papasok ako nun sa klase..grabe porma ko, naka-loose ung dalawang buttones sa taas ng polo ko, tas naka-black na undershirt, naka body bag tas headset tska ung glasses na pang-emo..syempre, para mas mukang mayabang maglakad, dedma sa paligid..pero hindi naman ako nagmamayabang talaga, kumbaga ee figurative ispits un dahil nga sa porma *lagi akong nakayuko maglakad*..tas naiihi ako..lam niyo san ako pumasok??.. sa cr ng girls..
|
|