|
Post by vlad veradrix on Apr 15, 2007 20:58:57 GMT -5
haaayyy.. kung sa ngayon talaga
hindi ko alam kung sino iboboto ko kung sakasakali..
si chiz palang naiisip ko e hehehe..
|
|
|
Post by kurkeh on Apr 18, 2007 0:22:45 GMT -5
alam nyo ba na si tito sotto ang primary author ng absentee-voting law?
kahit ganun-ganun lang si tito sotto may sense ang kanyang mga batas na ginawa.
|
|
|
Post by kEitaro™ on Apr 18, 2007 1:42:35 GMT -5
..napanood ko kagabi ung the correspondents sa ch2..grabe ang dame nagaambisyon na maging senador..lahat sila independent candidates..tapos ang budget nila 2M lang samantalang ung mga nasa coallition or malalakas na paritido ay 200M..ang layo db?..
|
|
|
Post by kurkeh on Apr 19, 2007 0:04:10 GMT -5
oo namna. iba talaga kapag may political machinery ka.
|
|
|
Post by vlad veradrix on Apr 24, 2007 0:51:01 GMT -5
kung pwede na ko bumoto baka mag sisi lang ako
na naging 18 y/o ako.. baka imbes na i-enjoy ko buhay
18 ko sumakit lang ulo ko dahil sa mga pulitiko..
|
|
|
Post by kEitaro™ on Apr 24, 2007 8:46:44 GMT -5
..napaka-simpleng solusyon jan vlad..wag kang bumoto..baka nga yun gawin ko pag 18 na ko..hehe
|
|
|
Post by maya on Apr 25, 2007 4:54:51 GMT -5
sa bagay.. kasi parang pointless naman bumoto kung babaguhin lang naman ang balota at dadayin di ba? so... ang dapat gawin..... wag ngang bumoto ang LAHAT. para kung dumating yung eleksyon tas may nanalo, abay'... daya na yun.. pero imposibleng mangyari yung "plano"
|
|
|
Post by vlad veradrix on Apr 25, 2007 10:47:07 GMT -5
e kung sila nalang kaya mag botohan
tignan ko kung masiyahan sila..
masyado silang nagpapahirap ng mamamayan..
sila din naman nasusunod pagdating sa botohan diba..
pag nakaharap ko sila pramis
hahagis ko balota sa harapan nila
sasabihin ko "YAN!!!! KEO NALANG MAGBOTOHAN" potek naman na buhay to oh..
kung sino pang dapat aayos sa pilipinas e sakit pa sa ulo..
|
|
|
Post by kurkeh on Apr 26, 2007 0:09:17 GMT -5
ano ba yan. napanega naman ninyo hahaha!
kaya nga nabuo ang kosepto ng eleksyon para sa ikakabuti ng lahat. hindi porke't hindi na maganda ang reputasyon ng isang kandidato ay maari na itong sabihin na masama.
let's say, si marcos, sinasabing marami siyang ninakaw sa Pilipinas at siya rin ang dahilan ng economic collapse at international debt ng mga Pinoy pero marami siyang mga naimprub sa ating bansa katulad ng inprastraktura, kabuhayan at mga pabahay.
at kung talagang mahal mo ang isang bagay, handa ka talagang harapin kahit anong hirap, kahit sakit ng ulo.
pero naiintindihan kita vlad. ako man ay naririndi na rin. hay..
|
|
|
Post by maya on Apr 26, 2007 3:41:40 GMT -5
grabe yung pilipinas.. kaya lang ako galit sa mga officials natin kasi corrupt na nga, hindi pa sila gumagawa ng mga programa.. kumikilos lang sila pag malapit na ang eleksyon..
yung amerika, kalat din ang korapsyon pero hinahayaan na lang ng mga mamayanan kasi nakikita naman nila na maganda ang serbisyo na binibigay ng gobyerno. aksyon sila agad.. tulad ng mga pulis, yung mga bumbero.. yung maintenance ng mga tulay, etc. eh tayo.. corrupt na nga, hindi pa kumikilos...
|
|
|
Post by kEitaro™ on Apr 29, 2007 1:13:53 GMT -5
manalo na lahat wag lang ung mga papampam na kandidato..
|
|
|
Post by kaminarihato on May 2, 2007 0:38:14 GMT -5
nakakainis talaga yung commercials ng mga politicians (except for some... ) kasi... uhm... kasi.. eh! basta!! nakakainis lalo na sa news kapag binabalita yuang mga pultiko-pulitiko na yan... parang mapapasabi ka lang na..."alang kwentang balita.... parati na lang yan.." katulad nung asawa ba yun ni gma na ospital tapos biglang binalita na nakalabas na... parang mapapa "e ano ngayon?" na lang ako nung makita yung nakakainis na balitang yun... hrrgghg... tapos halos mas mahaba na ngayon yung mga commercials sa tv kasi nadagdagan na nung mga namumulitika na mga corrupt...
|
|
|
Post by kaminarihato on May 2, 2007 0:43:37 GMT -5
kung kasali ako sa mga voters, siguro mga 3 lang yung maboboto... halos lahat kasi hindi matino... sina chiz, roco, at si.... si uh... uhm... sino pa ba? basta... halos lahat ng gusto ko ay nasa GO (genuine opposition)...
|
|
|
Post by maya on May 2, 2007 1:25:23 GMT -5
nge.. siyempre makikialam tayo kasi first gentleman siya di ba? basta ako, walang gustong iboto di pa naman ako buboto eh.. hehe
|
|
|
Post by kaminarihato on May 2, 2007 8:03:21 GMT -5
ahehe... oo nga no... sorry pero... kasi.. ah.. kasi nam-- hay nako... ewan ko ba kung bakit...
|
|