|
Post by jacksparrow on May 17, 2007 4:58:22 GMT -5
Naisip ko lang na hingiin ang opinion ng ibang mga tao kase gagawa ako ng article for next sem tungkol sa Mass Media.
Ang tanong ko lang eh: ano ang observation niyo sa mga palabas ngayon (Anime, movies, etc.)?
Aking observations eh yung ibang mga anime wala na atang magandang kwento. Yung iba, tula ng Inuyasha, Naruto, galaxy angel, sunny pig, mga obra ni kenji miyazawa at Ah my Goddess maganda; pero halos lahat eh puro sexy scenes at violence at siguro pulos special effects na lang at pagandahan ng drowing ang laman para makabawi sa kwento na di maintindihan ng mga seryosong critics. Yung mga Fantaserye naman ay nagdeviate sa usual na Pinoy Komiks themes at kumukopya na lang sa mga anime tulad ng Sailormoon sa Supertwins at mga Samurai shows tulad sa Ronin.
|
|
|
Post by maya on May 18, 2007 2:46:16 GMT -5
T___T nakakiyak yung supertwins.. T____T di man lang inayos yung kostyum! halatang gayagaya tuloy... =.= pero baka yun talaga yung point ng show.. gayahin ang sailormoon.... kasi meron din yung gma7 ng Lupin di ba? based talaga yun sa anime na lupin...
on fantaseryes... magkaiba naman sila sa comics kaya ok lang naman siguro.... unless talagang sa comics binase yung show..
on anime... madalas talagang malaswa yung drawings.. at naiilang na talaga ako manood.. noon nagsscan lang ako ng channels tapos nakita ko yung Vandred sa axn... nanood nga ako tas biglang may uhm... *ahem* scene.. eh napadaan yung nanay ko.. +__+ pangaral to the max talaga.. at pinagbawalan ako manood ng anime for a loooooooooooong time.... kaya ngayon.. nagiingat na ako manood ng anime.. =.=
|
|
|
Post by vlad veradrix on May 22, 2007 0:46:54 GMT -5
ayus naabutan pa..
sayang naman.. hehe joke lang..
|
|
|
Post by jacksparrow on Jun 12, 2007 3:22:06 GMT -5
T___T nakakiyak yung supertwins.. T____T di man lang inayos yung kostyum! halatang gayagaya tuloy... =.= pero baka yun talaga yung point ng show.. gayahin ang sailormoon.... kasi meron din yung gma7 ng Lupin di ba? based talaga yun sa anime na lupin... on fantaseryes... magkaiba naman sila sa comics kaya ok lang naman siguro.... unless talagang sa comics binase yung show.. on anime... madalas talagang malaswa yung drawings.. at naiilang na talaga ako manood.. noon nagsscan lang ako ng channels tapos nakita ko yung Vandred sa axn... nanood nga ako tas biglang may uhm... *ahem* scene.. eh napadaan yung nanay ko.. +__+ pangaral to the max talaga.. at pinagbawalan ako manood ng anime for a loooooooooooong time.... kaya ngayon.. nagiingat na ako manood ng anime.. =.= Actually maganda rin naman ang theme ng Vandread eh. Yung tungkol sa battle of the sexes, meaning of life, at enslavement to technology. Ang problema lang siguro eh dapat ang ginawa ng author nun eh nag-isip siya ng ibang paraan ng pag present ng message niya na walang bold na lahok. (Siguro me bold para mas maraming boys ang manuod *conspiracy theory*). Yung Those who hunt elves magandang fantasy story pero me sexist themes. Yung masahol talaga ay ang Melody of Oblivion dahil sa last episodes eh labas ang dibdib ng mga babae run. Buti na lang at sa supertwins eh di nila ginaya ang hubot hubad na transformation ng Sailormoon series. Yun mura mula sa MTRCB ang aabutin nila. Alam mo, nung dun pa lang kami sa San Andres Bukid bago bumalik sa Antique (nag prep at grade 1 kasi ako sa Manila), eh ang Sailormoon ang medyo bold na anime for it's time. Wala kaming malisya ng kapatid ko nung nakita yun pero nang maabutan kami ni lola eh na-shock siya at nag-sermon tungkol sa chastity sa amin. Ang thesis o theory ko (personal idea) para makagawa ng magandang story, literary fiction, palabas o komiks eh yung me well developed na characters, coherrent at easily understood na plot, clean at wholesome drawing style (sa komiks). Pwede ring maghumor pero hindi naman yung masyadong cheap o offensive (OK rin ang Kiko machine dahil weird at buhay estudyante lang ang humor nito). Pwede ka ring manghiram ng characters tulad ng fanfiction o doujinshi basta creative o original ang magiging treatment mo sa character na hiniram mo (hindi lang puro loveteam ang focus), yun bang ikaw ang nagplano ng situation niya sa storya o iibahin mo medyo ang traits o concerns ng character. At dapat rin kasi na ang sex and violence should only be used within the proper context of the story. Sinabi kasi sa article ng Kerygma magazine na kapag puro sex at violence lang ang laman ng literary o media work at mahina o walang storyline yun eh di na yun legit kundi pornography na.
|
|
|
Post by jacksparrow on Jun 12, 2007 3:45:02 GMT -5
Yung mga anime na may wholesome humor tulad ng Galaxy angel at Sunny Pig ay nakabase sa exaggeration ng mga life situations at absurdist themes para magpatawa at yun ay di na kailangan ng green/racist jokes o pag-bold para mang-aliw ng audience. Yung Naruto at mga obra ni Kenji Miyazawa ay may life lessons at deep musings tungkol sa buhay (kung titingnan ng mabuti behind the story at i-analyze ang mga characters duon). Maganda ang dramatic elements ng Inuyasha at ang theme nito (being a hero despite of your flaws. Ganun din ang Ah My goddess (yung kwento niya at yung themes wholesome at may message yun sa atin na "heaven cares for those who have least in life").
uh sinabi ko lang to para ma single out ang mga magagandang anime sa mga trashy na palabas.
|
|
|
Post by kEitaro™ on Jun 12, 2007 21:08:46 GMT -5
..shin chan?..
|
|
|
Post by dAdÔ on Jun 13, 2007 17:49:09 GMT -5
lahat nman maganda pero tama nga. ung ibang anime e nawawala ung story. kumbaga ung purpose nung film/anime. i mean bakit ka gagawa ng anime/movie kung di mo kayang magdekiver ng matinong storya. akala siguro ng mag gumagawa e mga bobo ang tao. sa anime, may laws kasi and anime e. basahin nu para malaman nu kung bakit halos lahat ng anime e may violence, exaggeration,sex themes etc. baka sakaling maliwanagan kau....kung mahanap nu.
|
|
|
Post by jacksparrow on Jun 18, 2007 2:52:49 GMT -5
Eto mula sa Idiot's Guide for Cartooning ni Wagner: Yung Anime at manga pala raw eh may Erotic at war elements. Pero "light" nga yun, pati na yung mga anime nuong 1980's at 1990's, pag ikumpara natin sa contemporary versions.
Sabi raw ng 2001 na article sa Time Magazine eh naging hardcore daw ang media ng Japan dahil daw sa mga Present sociological problems nila ngayon na dala ng ultra-modern nilang environment (e.g. suicide, Pagkasira ng traditional nilang values, materialism, excessive dependence on technology, juvenile delinquency, negative birth rate, etc. na kung tingnan eh mas nakakatakot pa sa mga problema natin dito sa Pinas). Parang ang anime at manga kumbaga ang reflection ng mga social cancers nila ngayon. Sa article na gagawin ko kasi eh ang advice ko sa mga readers eh maging selective at critical sa pinapalabas o binabasa at hindi lang i-idolize ito dahil maganda ang drawing, ito ang uso, "astig" yung characters, etc. Hwag lang nilang ibawal ang anime/manga tulad ng ibang intellectuals dito sa amin dahil art form din to na legit at maganda rin ang ibang mga palabas sa ilalim ng genre nito (narrowminded kasi at ayaw tumanggap ng ibang artforms sa labas ng lumang mga genre).
|
|
|
Post by dAdÔ on Jun 19, 2007 18:41:30 GMT -5
aba. asteeg yan a. salamat dyan sparrow.
|
|
|
Post by maya on Jul 6, 2007 8:02:04 GMT -5
da best yung BECK kasi lahat ng mga aspiring musicians makakarelate kahit isang episode lang. makikita dun kung gaano kahirap ang buhay musikano.. kala kasi ng karamihan, "tugotg-dyan-tugtog-doon" lang ang ginagawa ng mga may banda pero hindeeeh~ nandyan ang mga internal conflicts pati na rin ang external.
internal: sa banda lang.. yung pagpili ng mga bandmates.. pag practice.. etc etc
external: yung audience.. yung mga taong nagbbook ng concerts..
basta..
mas maeexplain yun ng matino ni kuya dado..
|
|
dirtydiapers
Full Member
I open my mind as i lie on the floor..
Posts: 131
|
Post by dirtydiapers on Jul 6, 2007 9:14:53 GMT -5
uu nga, kala ng ibang tao, gnun lang kcmple gumawa, magicp, ng knta, hehe! personally nde ku pa npnuod ung BECK pero nkrelate aku sa pnost ni te maya!
|
|
|
Post by maya on Jul 7, 2007 5:29:04 GMT -5
hi dirtydiapers! ;D wag mo naman akong tawaging 'te.. bata pa lang ako... lalo na sa pag-iisip kung gusto mong mapanood ang beck, anime siya na pinapalabas sa HEROtv.. 10am tsaka 7pm every saturdays and sundays.. [napakanta ako sa subtitle ng avvy mo... *sings*join us as we both live... haha! ]
|
|
|
Post by dAdÔ on Jul 8, 2007 17:49:54 GMT -5
in ectasy!!!~ hehehe pa join sa kanta! hwehehehe BECK RULES!!!! IT KICKS ASSS!!! HWAHAHAHAHA~!
|
|
|
Post by maya on Jul 9, 2007 4:17:52 GMT -5
WAHAHAHAHA!!! LALO NA SI TAIRAAAA~ <3 walang aagaw!!! wahahahaha!! *ehem* haha! hyper nanaman ako.. weee~ taira! taira! taira! lalalala... <3
|
|
|
Post by jacksparrow on Jul 9, 2007 5:04:18 GMT -5
Speaking of HEROTV, Sinong nanuod ng G3? Surprised ako Noypi pala ang nag-design ng mga characters sa Transformers (si Floro Dery). Wow, inspiring lalo na at paborito ko nuon ang Transformers (ilang episodes ng Generation 1, yung 1986 movie, ilang episodes ng Beastwars, Victory, headmaster/powermaster, at ang buong Trans Armada). Sayang, isang action figure lang meron ko sa bahay. Pasukin niyo ang website ni Floro (nahanap ko sa google pero nalimot ko address kahapon). Ganda artworks niya duon. Sabi rin ng kapatid ko maganda din daw ang bagong movie ngayon.
(But in a sidenote, ngayon ko lang pala nalaman na malaki pala ang involvement ng ating mga kababayan sa pag-contribute sa iba't-ibang bagay sa mundo. Pero bakit tayo nilulumot ng mga taga-ibang bansa at ng mga sarili nating kolumnista sa diyaryo).
|
|