|
Post by manix on Mar 16, 2006 1:19:16 GMT -5
asteeg! hehe baka meron kayong mga personal experiences na weird! hehe... o kaya nakakatakot eto meron ako, walang stir! u.f.o. encounter! hehe ;D(mga grade 6 ako nito) nagmamaneho yung tatay ko sa antipolo kasama ako, pauwi na kami, tapos may tinuro siyang parang mga lobo na silver sa malayo sa taas ng imperial (isang lumang-lumang sinehan dati sa antipolo na ngayon ay wala na at pinalitan na ng shopwise). akala namin mga lobo talaga. kaso nung palapit na kami nagtataka kami kasi hindi nagbabago yung formation nila doon sa taas. hindi man lang hinahangin, etc. tapos nung mas malapit na kami nakita naming makikintab sila na bilog na nakalutang doon. siguro mga 15 sila, iba-ibang size. siguro yung iba kasi mas malayo/mataas. basta hindi sila gumagalaw, nandun lang. sumisigaw yung tatay ko sa mga tao sa labas, sinesenyas niya yung nakikita namin, kaso nawirduhan lang sila sa kanya. ako nawi-wirduhan ako, di ko alam kung matatakot ba ako o ano. tapos nagmadali kami pauwi para maturo namin sa nanay ko at mga kapatid. kaso nung paliko na kami sa subdivision e bigla silang lumiwanag lahat at unti-unting lumiit, parang lumayo sila pataas lahat, sabay-sabay. pagdating sa bahay todo kwento kami. ayun... hehe para di namin malimutan e drinowing agad namin sa sketchbook yung nakita namin. sinulat din namin dun yung mga pangyayari. alam ko nakatago pa rin yung sketchbook na yun dito eh hehe. yun. sori ang haba haha naisip ko lang ikwento. totoo yun ha, di ako lasing!
|
|
|
Post by Mac? on Mar 16, 2006 8:10:02 GMT -5
ito mejo nkakapanindig balahibo.. kung ikaw lng mag isa ang nsa computer pls.. advice ko lng wag mo ng basahin.. ok here we go.. nag simula ito nung high school pa lang ako.. galing ako sa isang party.. pauwi na ako nun.. mejo pagod na ako kya i took a shortcut kaya lng mejo madilim pero ayos lng kasi dumadaan rin nman ako dun kung minsan eh.. habang naglalakad ako.. nasa madilim na part na pag tingin ko sa kaliwa may nakita akong babae.. oo babae sexy pa.. nka puti.. 1st time ko lng makakita ng white lady.. kya nilapitan ko kasi sabi nila pag wala raw muka white lady daw.. nung paglapit ko hinubad yung damit.. kaya tumindig yung balahibo ko.. at narinig kong parang may kinakausap nung tiningnan ko sa tabi niya may kapre.. nag yoyosi.. nakahubad rin.. napa at nakita nila ako kaya agad akong tumakbo at baka kung anong gawin sakin.. pag dating ko sa bahay.. di na ako nkatulog kaya hanggang umaga gising ako.. simula noon madalas na akong dumaan dun sa shortcut.. yun lamang po.. pasenxa na rin kung mejo mahaba.. gs2 ko lng ishare experience about the white lady thing and kapre.. totoo pala sila..
|
|
kakai
Junior Member
Posts: 94
|
Post by kakai on Mar 16, 2006 11:17:07 GMT -5
totoo ung mga spirits chaka laman-lupa, may mga kakilala ako na may third eye e. hihi.
first time ko naman nakakita ng mumu, dito sa bahay namen, mga november ata nun, either friday or saturday, tapos mga 11 pm. nagddrawing ako sa kwarto ko sa second floor ng bahay nang may narinig akong ingay sa first floor. e nung time na un, lumabas ung mga kasama ko sa bahay, iniwan lang ako run, at hindi ko na nilock ung bahay, kaya akala ko may magnanakaw na akyat-bahay, ganun.
so mejo sumigaw ako, "sino yan?"
walang sumagot.
maya-maya may kumakatok na sa pinto (na hindi ko alam kung saang parte ng first floor nanggagaling) so nagtanong ulet ako, "sino yan?"
wala pa ring sumasagot.
may kumakatok ulet, tigtatlong beses ung sunod-sunod na pagkatok. tapos biglang may narinig naman ako na bumukas na pinto, ung dahan-dahan na prng sa mga movies na nakakatakot...
mejo kinabahan na ko, pero hindi ko na rin pinansin. naisip ko baka bumalik na yung mga kasama ko, saka nag eenjoy ako magdrawing e! so nakadapa ako sa kama ko noon, naka-face sa pinto na nakabukas, tanaw ko hanggang hagdan. habang nagddrawing ako, bigla ko na lang napansin, out of the corner of my eye, may nag-appear na white something. mejo blurry. prng may taong nakatingin..
so dahan-dahan kong lumingon. pucha, may lalaking kasintanda ko na nakaharap saken, hindi nakangiti. prng mahabang crew-cut ung buhok nya, na semi kamukha ng crush ko noon. fascinating lang kasi may shadow and lighting ung multo. pero walang mata. hindi ako kumibo nang mejo matagal, and nung tinry ko na sya kausapin, bigla na lang sya nagfade papuntang wall.
after ilang minutes, tumakbo ako pababa, malamang dumaan ako run sa hagdan. pero nkkapagtaka lng, di ko na maalala kung ano ginawa ko afterwards.
:S goosebumps.
|
|
|
Post by whitedemon on Mar 16, 2006 11:28:14 GMT -5
this happened to a friend . (tales evolve ha) sa retreat house: di sya makatulog sa kuwarto niya. nakatingin lang sa ceiling. then he felt a hand, no.... two hands on the back of his head crawling to cover his eyes... di siya makagalaw... di makasigaw... tinakpan nga ang mata tapos sabi... "guess who..." 15 minutes na ganun... guess who ng guess who ung kung sino man un. samanatala nangingig na sa takot ang friend ko... pagkatapos nun, the hand disappeared and so did the voice. nakagalaw siya at tumakbo na papunta sa mga kasama sa retreat, nakitulog sa mga ladie's quarters. next day, pinabless room niya. but he didn't dare sleep there again. room 15.
|
|
|
Post by manix on Mar 16, 2006 23:35:31 GMT -5
noong high school kami yung katabi naming section biglang nag-iyakan at nagsigawan bigla. nagtakbuhan lahat kami tsaka mga ibang studyante at mga teacher papunta sa classroom nila para malaman kung anong nangyari. tapos sabi nila may nagpakita raw biglang black lady dun sa tabi nung statue nung virgin mary sa kanto ng room habang naglelecture yng teacher. nagpakita sandali tas nawala agad. andami nilang nag-iiyakan. yung iba tulalala. weird...
|
|
|
Post by uzemoron on Mar 17, 2006 3:46:26 GMT -5
ako rin meron..
2nd year hi-sch ako nung 1st time ko makasaksi ng napo-"possess" kuno... babae sya e.. tapos, sakto, nasa papuntang clinic ako nun..kasama yung ilan kong mga klasmeyt-barkada.. and then, nakita namin ung mga titsers namin na nag-s-struggle na igapos yung babaeng na-posess kuno...
actually nagwawala ung bbabae, tapos, mejo nag-iiba ng boses..pero di naman katulad nung nasa TV o sine na OA..dito sa experience ko, babae pa rin ung boses nya, mejo lumalaki nga lang..
nakakapagtaka lang, kasi yung mga umaawat sa kanya ay yung P.E. teacher ko na maskulado ngunit hirap pa rin, katulong nya yung isang math teacher ko na bigotilyo... so, dahil sa nasksihan namin, minabuti naming maki-usyoso..at yun nga, nakahawak ako ng braso! braso ng "sinasapian". grabe, nakakadiri..este, nakakapangilabot..
tapos yun, naramdaman ko rin ung pagcontract nung mga muscles nya..
tapos, nung bandang huli..ang diagnosis ng nurse namin, stress lang daw un..o kaya may problema ung babae kaya mejo ngkakaganun.. sa tingin ko, bias yun based on her profession.. sa side ko naman, mahirap iexplain ung mga actions nung babae nung time na un.
naisip ko rin, baka acting lang un.. pero, kung persistence sa acting lang din ang pag-uusapan, mukhang mahirap gawin un..kaya malamang hindi un acting.. walang fictional dito ah. <end>
|
|
|
Post by elyoo on Mar 17, 2006 5:36:12 GMT -5
dati, nagising ako ng madaling araw, tapos may narinig ako na malakas na parang sigaw ng kinakatay na baboy (haha, pero totoo talaga) tapos umaangungol yung mga aso sa may village namin. Tapos, tumayo ako para tingnan yung nangyayari, pero pagtingin ko sa may bintana ko may shadow ng parang isang malaki na ibon.
natakot ako kaya nagtago nalang ako ulit sa ilalim ng kumot ko
------------- tapos dati, sabi nung kaibigan ko, hintayin ko lang daw siya sa may harapan AS building sa UP... eh medyo matagal siya, tapos ihing ihi na ako. So, naghanap ako ng CR. Pagpasok ko sa cubicle, may kumatok sa pintuan nung cubicle.
"may tao" sabi ko
tapos kumatok ulit. eh tapos na ako nun, kaya binuksan ko na yung pinto. pagbukas ko, wala namang tao. tiningnan ko rin sa may corridor, wala ring tao.
weird.
|
|
kakai
Junior Member
Posts: 94
|
Post by kakai on Mar 18, 2006 3:50:42 GMT -5
eep, nkkatakot n tong usapan naten a.......
|
|
|
Post by elyoo on Mar 21, 2006 0:52:21 GMT -5
kunwari natuwa ako dito sa post ni mac.
hello, warning lang. bawal ang mga post na katulad nung kay mac ah. Wholesome tayo dito.
|
|
kakai
Junior Member
Posts: 94
|
Post by kakai on Mar 21, 2006 22:11:17 GMT -5
anong post ni mac??
|
|
|
Post by elyoo on Mar 21, 2006 23:38:57 GMT -5
yun tungkol dun sa white lady and kapre? wha. --____--
|
|
kakai
Junior Member
Posts: 94
|
Post by kakai on Mar 22, 2006 12:20:00 GMT -5
haha! tingin ko hindi white lady at kapre yun... kalokohan. sariling pantasya lang ni mac? kaya ginawan niya ng kuwento na white lady yung babae tapos.. oh, never mind. wholesome nga dapat e, kaya pabayaan n.. hahaha!
|
|
|
Post by uzemoron on Mar 24, 2006 7:36:10 GMT -5
kapre at white lady pala ang tawag sa mga gumagawa ng kababalaghan sa dilim... mmmmm.. (reference: Mac)
|
|
|
Post by elyoo on Mar 24, 2006 7:43:05 GMT -5
kapre at white lady pala ang tawag sa mga gumagawa ng kababalaghan sa dilim... mmmmm.. (reference: Mac) aba malay ko dun sa mokong na yun. kung anu ano kasi mga nilalagay dito. >.<
|
|
|
Post by bisita ng rom 120 on Mar 24, 2006 8:06:06 GMT -5
ksp? effective ung method ah.. di ko na tuloy alam yung mga nagsasabi ng totoo dito..okay langm basta lahat masaya :-)
|
|