Post by kEitaro™ on Aug 29, 2007 9:26:02 GMT -5
Nahaharap sa bagong kontrobersiya ang bantog na noontime game show na “Wowowee” ng ABS-CBN matapos dagsain ng reklamo ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at Department of Trade and Industry (DTI) tungkol sa “anomalya” o “dayaan” sa pinakabagong palaro nilang Wilyonaryo Jackpot.
Noong Sabado inilunsad ang palaro, ngunit ito ay celebrity edition lamang at nito lang nakalipas na lunes, Agosto 20 pormal na binuksan para sa mga contestants.
Naging contestant ang isang nagngangalang Weng at mismong si Willie Revillame ang umistima rito para sa mala-pera o bayong na larong tinawag nilang “Wilyonaryo Jackpot.”
Ang palaro ay parang pinball at papipiliin ang contestant ng isang wheel na may kulay at doo’y papahulaan kung nais ba nito ang “Wilyonaryo” o “Winame.”
Kung ang Wilyonaryo ang pinili, may tsansa ang contestant na manalo ng P2 milyon; P1 milyon o P500,000 at bahay at lupa. Kapag Winame (Uwi na ko) naman ang pinili, ibig sabihin ay tatanggapin na lamang nito ang alok na pera ni Willie at uuwi na lamang ang contestant.
Pinili umano ni Weng ang ‘Winame’ kasama ang P100,000 na alok ni Revillame, bukod pa sa napanalunan nitong P37,000 sa ‘elimination round’ bago ang jackpot round.
Hindi naman nabigo si Weng na maging tama ang pasya dahil ang pinili nitong kulay puting wheel ay naglalaman ng 0 na ibig sabihin ay kung ito ang pinili, tiyak na bokya o uuwi siyang luhaan.
Kagaya ng patakaran sa iba’t ibang game show, sisilipin kung nasaan ang ‘jackpot price’ at sinabi ni Revillame na ito ay nasa kulay lilac o violet na wheel.
Nang aktong bubuksan ng kontrobersiyal na host ang nasabing ‘wheel,’ lumabas umano rito ay 0 (zero).
Nakasaad sa bahagi ng transcript ang ganito:
Mariel Rodriguez: Ayon walang laman
Willie: Mali, Mali, Mali. Sandali. Ang P2 milyon ay (habang binubunot sa likod ng wheel) eto pala.
Mariel Rodriguez: Hawak mo pala Pappy
Willie: Ayon hawak ko pala, Alright ayan po ang P2 milyon, 2,000,000.
Dahil sa insidente, nabuko na dalawang uri ng papel o ‘film’ mayroon ang ‘jackpot’ wheel ng nasabing palaro kung saan ay maaari nilang gawing milyon ang zero na numero o gawing zero ang milyon na numero.
Ayon naman sa mga nakasaksi sa panonood, nagtataka rin sila kung bakit nasa likod lagi ng ‘wheel’ ang kamay ni Revilla.
Ang naturang pagkakabuko ay nai-record ng ilang ‘televiewers’ at anumang araw mula ngayon ay ipadadala nila ang kopya ng CD nito sa tanggapan ni MTRCB chairperson Ma. Consoliza P. Laguardia at DTI na inaasahang magpapatawag ng imbestigasyon hinggil dito.
Nabigo namang makuhanan ng pahayag si Villame sa naturang alegasyon.
source: HCP